at Aria Cucina Italiana

Baby potato x cheez whiz

The only place where I get to eat breakfast during suppers. Heehee. (at Melisa’s Kitchen)

Hi kili kili :D

Wala lang

Kanina may nakasabay akong applicant. Kasama nya yung lola nya sa pag apply. First time daw kasing mag apply nung bata, natatakot yung lola baka daw hindi pa alam pasikot sikot doon sa lugar na pinuntahan.

Wala lang. May naalala lang ako.

Anong sinabi ko ulit? Last book purchase for the month of March? May sinabi akong ganun, really? :( #bankrupt #Books

#books  #bankrupt  

Parang tanga lang

Me: Daddy may interview po ako bukas.
Daddy: Saan?
Me: Sa Makati
D: Alam mo ba kung paano pumunta doon?
Me: Opo, tinuruan ako ni mommy.

Last year, nakatanggap ako ng text na may interview daw ako ng bandang alas nuwebe ng umaga sa may Rada, Legaspi Village, Makati. Bilang hindi naman ako gala at probinsyana nga, hindi ko alam kung paano magpunta sa Makati.

At ito namang mommy ko na babyng baby ang turing sa akin e nagprisintang samahan ako kahit may trabaho sya. Napaaga ang dating namin. Imbis na 9 e nakarating kami ng 7:00 kaya naman kumain muna kami sa kfc. Ang sarap talagang kumain kapag libre. Lalo na pag sya ang nanlibre. Kasi kahit gaano kadami, ok lang basta pagkain.

Naghintay sya sa labas ng bldg. Hindi ko alam kung saan. Basta umupo at tumayo daw sya doon. Tapos e naglakad kami ng malayo papunta sa sakayan ng bus doon sa may ilalim ng Ayala MRT station.

Inis na inis ako sa kanya noon kasi ang haba ng nilakad ko tapos naka high heels pa ako. Pero ngayon sobrang appreciate ko lahat ng ginawa nya para sa akin.

Kaya nga kanina, tandang tanda ko yung lugar kung saan ako pupunta. Kumain din ako sa kfc kanina. Yun nga lang, ako nalang mag isa.

At nadaanan ng bus yung Dusit Thani Hotel kung saan nagpabook ng kwarto si mommy noong minsang nagkaron ng event doon na gabi. Para daw hindi na ako mahirapan umuwi bilang walang pwedeng sumundo sa akin ng mga panahong yon.

Grabe ang sweet ng mommy ko no?

Pakadaming memories. Hirap kalimutan pero ayoko din makalimutan.

Hahaha! Hi @gianffigueroa @crooxifix @anjology @jaezelj @regineariete @miriamsigrid @bojijumping @akyfierce @charmss18 @pmgsoriano @lainepop may di pa ba ko namention. Hahaha.

Hahahaha. Hello there!! ;))))))))

Good morning. Fixing my bookshelf. :)